Lahat tayo ay kailangang kumain para mabuhay pero dapat natin piliin ang
mga tamang pagkain. Ang pagiging vegetarian ay isang magandang hakbang
para mabawasan ang pagkasira ng ating mundo. Ang pagkain ng karne ay
nakapagdudulot ng kontaminasyon hindi lang sa ating katawan kundi pati
na rin sa ating pag-iisip. Mahalagang malaman natin lahat ang koneksyon
ng pagiwas sa pagkain ng karne at ng ating pagkatao. Ang mga gulay ay
may buhay din kung kaya't hindi natin masasabi na ang pagkain lamang
gulay ay walang kasamaan...pero sinasabi sa Bhagavad Gita, ang
pinakamatandang banal na kasulatan sa buong daigdig na tinatanggap ni
Krishna(diyos) ang tubig, dahon, prutas na inalay sa kanya ng may
pagmamahal at debosyon. Hindi niya sinabing magalay ng karne at alak.
Pagkatapos ialay ang pagkain, ito ay magiging "Prasad" o ang awa ng
diyos, ito lang ang paraan upang mawala ang karma na nakuha natin sa
pagpatay sa gulay. Kapag hindi natin ginawa ito ay para lamang
tayong kumakain ng kasalanan. Kailangan din nating sambitin ang dasal na
HARE KRISHNA, HARE KRISHNA, KRISHNA KRISHNA, HARE HARE, HARE RAMA HARE
RAMA, RAMA RAMA, HARE HARE upang malinis ang mga dumi katulad ng galit
at poot sa ating mga puso at kaisipan upang sa gayon ay makamtan natin
ang tunay na kapayapaan at pagmamahal sa diyos na siyang pinakamataas na
layunin ng ating buhay. Ang pagiging vegetarian na walang malalim na
basehan at pangunawa ay walang pinagkaiba sa mga kumakain ng karne kahit
na ito'y magandang simula dahil nasasakop pa rin sila ng reaksyon ng
karma, at balang araw ay babalik din sila sa pagkain ng karne. Kailangan
ay ialay natin ito kay Krishna ng may pagmamahal at debosyon at mag
chant ng Hare Krishna Maha Mantra! Pumunta po kayo sa purebhakti.com
para sa karagdagang kaalaman sa vegetarianism at ang tunay na ating
pagkakakilanlan. Maraming salamat po, Hare Krishna! Haribol!
Contact: AleXander G. Garingo aka Acyuta Krsna Das - email: agaringo@yahoo.com